Thursday, April 19, 2012

story telling with kuya



Greg Alec and Jazz...
Katatapos lang magbihis ni Jazz nang pumasok sa loob ng kuwarto niya si Greg na may dala pang unan at kumot.
"Hoy!" sabi niya rito habang inihagis ng kanyang kapatid ang mga dala sa kama niya. "Huwag mong sabihing dito ka matutulog?" Gulat talaga siya. Dahil never silang nagtabi ni Greg. Himala talaga na gusto na nitong matulog sa tabi niya.
"Namimiss nga kita."
"Normal pa ba iyang takobo ng utak mo kuya?"
"Marami akong ikukwento sa'yo."
"Gaya ng?"
"Love story ko."
"Siguraduhin mo lang na maganda iyan ha?"

Humiga siya sa kama at hinila naman ni Greg ang upuan mula sa study table niya at saka nag-umpisa ng magkuwento.
"Hindi mo alam na apat na ang ex ko. Ang una ay nakuha ko noong second year high school pa lang ako. Alice ang pangalan niya. Kamukha niya si Snow white. Two months lang ang itinagal ng relationship namin, dahil kay Jini. Ang kapitbahay nating mangkukulam, enemy since birth. Ang pangalawa naman ay si Mika. Kamukha niya si Selena Gomez. Five months kami. At nagbreak kami dahil uli kay Jini. Ang pangatlo kong girlfriend ay si Sarah. Kamukha niya si Sam Pinto. Eight months kami. Nagbreak kami sa mismong araw ng aming eight monthsary dahil uli sa pinakamamahal mong ate Jini.
"Alam mo na ngayon ang dahilan kung bakit ako galit na galit sa kanya. Kinder pa lang kami ang sarap na niyang patulan! Naaalala ko pa lahat ng kalokohan niya. Kinder pinutol niya ang mga crayons ko ng walang dahilan. Pinunit niya iyong notebook ko sa Filipino noong Grade four kami. Dinuraan pa kaya niya iyong kamay ko noong grade six. Pero kahit ganon noong napatrobol siya, ipinagtanggol pa rin namin siya ni Alvin. Pero anong ginawa niya? Sinira pa rin niya ang buhay ko. Grabe! Perwisyo talaga siya.
" Bakit ba nakipagbreak iyong mga girlfriend mo sa'yo? Ano bang ginawa ni ate Jini?"
"Ipinagkalat niya na two timer ako." Naniwala naman itong si first girlfriend. Noong pangalawa, iyon uli ang sinabi niya, hindi agad naniwala si second girlfriend. Gumawa siya ng paraan. Iprinesenta niya mismo ang sarili niya sa madla, nagpakilala siyang girlfriend ko. Ang bruhang iyon. Iyong pangatlo naman, iyon din ang ginawa niya. Nakipagsabunutan pa nga siya kay Sarah sa labas ng campus dati. Kung nakita mo lang sana ang hitsura namin ni kUya Alvin mo habang inaawat namin sila. Terible! Mukha kaming saranggalong wasak na wasak.
"Naku! Kung alam ko lang na kaya niyang gawin iyon. Hindi ko na sana ginupitan iyong buhok niya ng one inch. Hindi ko na sana pinutol ang mga lapis niya. Hindi ko na sana itinago ang sapatos niya sa drawer ng teacher's table. Sige, ako na ang may kasalanan. Pero iyong fourth girlfriend ko... Siya mismo."
"What????!!!!!"
"Alam kong mahirap paniwalaan. Pero, naging girlfriend ko talaga si Jini. Sa prom iyon nag-umpisa. Ang hirap mamili ng partner, lalo pa't same iyong number ng boys at girls sa classroom namin dati. Syempre, si bestfriend Alvin, girlfriend na noon si Mitch. Ako naman, una pa lang tinanggal ko na sa listahan ang tatlong ex girlfriends at si Jini. Pero isang linggo bago iyon, napanaginipan kong sumasayaw kaming dalawa. Tapos naging prom king and queen pa daw kami. Ay grabe! Sukang suka ako! Pumasok ako no'n ng school ng badtrip na badtrip.
"Tapos pagdating ko, pinatayo pa ng adviser namin lahat ng wala pang date. Malamang kasali ako. Kasali din siya. May lalakeng naglakas loob na nagsabing si Jini ang gusto niyang maging date. Si Alex yata iyon. Tiningnan ko si Jini. Blanko iyong expression niya. Pero kahit ganon ang ganda niya sa paningin ko noong araw na iyon. Straight na straight iyong buhok niya and blah blah. Ewan. Doon ko yata talaga siya nakita as someone other than an enemy.
"Kaya bago pa siya makaoo kay Alex ay sumabat na ako. Sabi ko 'Oi, teka lang! Gusto ko din si Jini'. I never thought I would say that. Pero nasabi ko. At proud ako doon. Bigla akong tinukso ng mga kaklase namin sa pangunguna ni Alvin. Mga effect lang ng high school. Matindi ang tama ng kilig sa kanila e. Pati kaya iyong adviser namin kinilig noon. Siya lang ang masama ang tingin sa akin. Pero bago pa ako makangiti ay nagdeclare na ng silence si adviser. Tapos ipinaramdam niya sa akin na hindi kami pwede kasi may mas nauna nang nagsabi. At si Alec iyon.
"Nagprotesta ako! Bakit? Hindi naman ako papayag na maungusan na lang. Isa pa, doon ko lang nagustuhan ng sobra si Jini. Bilib nga sa akin ang mga kaklase namin sa argument na ibinigay ko. Sabi ko kasi 'The law of first come first served should not be applied in that situation. It is a serious matter. Just because he's the first one to ask the lady she is already obliged to say yes to him even if she doesn't really want him. Courtesy doesn't mean anything. The girls should be given an equal opportunity to chose who they want to date. And if she says no. The guy should accept it, even if it is rude!'
"Desperado ako, little sis. Pero pumayag naman ang teacher ko na pagpiliin ang mga babae. When it was her turn to chose talagang nagdasal ako na sana ako ang piliin niya. Nagkaroon nga ng himala at binanggit niya ang pangalan ko. Napatalon pa nga yata ako eh. Sa kayabangan ko, nag-assume na lang ako na matagal na siyang may gusto sa akin.
"Pero gabi ng prom, nag-away kami diyan sa may tapat ng bahay. Ayaw ko nga kasing isuot iyong iyong pink na polo na ibinibigay niya sa akin! Aba! Ayaw ko nga. Di pagkatapos ng sigawan namin, nagdesisyon na akong hindi dumalo. Hindi ko alam iyon din ang plano niya. Pero pinilit siya ng mama niyang pumunta. Last prom na daw kasi iyon. Nang sumilip ako sa bintana, sakto namang lumabas siya ng bahay. Bihis na siya. At ang ganda ganda niya. Palalampasin ko ba naman iyon? Edi nagbihis na rin ako at sumunod. Sinuot ko iyong pink na polo na binato niya sa akin. Ako ang last dance niya. Doon ko na rin sinabi na gusto ko siyang ligawan. Doon naman nasira ang gabi niya.
"Matapos non, nalaman ko na lang na nililigawan din pala siya ni Alex. Matinding ouch iyon. Ano naman kasi ang panama ko. Pero hindi niya sinagot iyong mokong. At noong iwan tayo ng mga magulang natin, nandoon siya para damayan ako. Nang araw ding iyon, nakuha niya ang first kiss niya. Mula sa akin. At siangot na rin niya ako kahit hindi ko narinig ang I love you, ok lang sa akin. Kasi mahal ko na siya non. Matagal ko na siguro siyang mahal, noon lang ako umamin sa sarili ko. Iyon din ang dahilan kung bakit kami nagcecelebrate ng valentines day tuwing February 12. Ang araw kung kailan naging kami. Unfortunately..."
"Nagbreak kayo noong February 14."
"Paano mo nalaman?" tanong niya.
"Lucky guess. Nalala ko lang iyong sagutan niyo. Ang lakas kaya! Dinig ng lahat ng kapitbahay kung paano ninyo laitin ang isa't isa."
"Oo. Alas tres yata iyon ng hapon. Ewan. Nagsawa lang siguro kami sa pagiging mabait sa isa't isa. Nagkasundo na lang kami na manatiling magkaibigan. Pero balik sa awayan-na-walang-batian ang tema naming dalawa. Pero mahal ko pa rin siya. Nahihirapan din ako sa tuwing iniisip kong aalis na ako. Paano na kami? May future ba?"                    

Friday, January 20, 2012

Pahabaan ng Kulet

Kabanat IV: ang Katapusan ni Nardong Putik

Hindi ko malaman kung bakit ko naiisip ang mga ganitong bagay. Sa aking gunita ay biglang nagpakita ang kanyang mukha.At ang kanyang tinig, para ko na ring naririnig. Ngunit kasabay noon ay ang masaya niyang mukha kasama ang babaeng sinisinta niya. May matinding kirot akong naramdaman sa aking puso, kakaiba.

Naisip ko rin bigla, paano nga ba ako makakaligtas sa ganitong sakit. Isang epidemya sa puso na walang lunas kundi ang mawala ako, o mawala sila, o siya. Tama nga! Ayaw ko pang mamatay, kaya humanda ka Nardo... paano nga ba kita papatayin?

Unang ideya:
Itapon sa dagat para malunod o makain ng pating.
Pero mahirap kasing malunod ang isang taong marunong lumangoy, at paano kapag ayaw siyang kainin ng mga pating o walang pating sa dagat, edi useless.

Pangalawang ideya:
papuntahin sa mataas na building at saka itulak o kaya sa bangin na lang.
Pero paano pag naisama niya ako sa kamatayan niya? At saka kawawa naman siya pag nahulog siya doon. Di ba? Malalasog iyong katawan niya, mababali mga buto niya, mawawasak iyong mukha niya. Edi na loss na iyong kagwapuhan niya. Di iyon pwede.

Pangatlong ideya:
Bitayin. Lasunin.
Pero hindi ko yata kakayanin ang instant death niya, dapat iyong makakapagsabi pa siya ng last words niya. Ano nga kaya?

"Hoy, ang lalim naman ng iniisip mo." si Nardo. "Ano ba iyan?"
"Friends tayo di ba?" tanong ko. "May hihingin akong pabor."
"Sige. kahit ano!"
"Heto ang kutsilyo, saksakin mo nga ang sarili mo."
"UY! GRABE KA NAMAN!"
"Seryoso ngay ako."
"May problema ka ba sa akin?"
"marami!"
"Gaya ng?"
"Hindi ka kasi boyfriend material eh. Pang bestfriend ka lang."
"Bakit kasi iyon pinoproblema mo?"
"Type nga kasi kita."
"E hindi kita type eh."
"Iyon na nga!"
"Maghanap ka ng iba."
"Pwede bang magmove on muna?"
"E di magmove on ka na."
"Hindi ko kaya pag nandiyan ka. Kaya pakamatay ka na."
"Pakamatay agad? Hindi ba pwedeng magkaroon muna ng iba o lumayo na lang, pwede ding sabihan kita ng hurtful words na hinding hindi mo kakayanin. Ano? Saan doon ang gusto mo para matapos na ito? One two o three."
"Iyong three na lang." ang naging sagot ko.


"Ang pangit pangit mo. Wala kang karapatang ibigin ang isang gwapong katulad ko o kaya mabuhay sa mundong ito.Kasi pangit ka. Ipinanganak ka para laitin ng iba. Tingnan mo nga iyang katawan mo, walang kashape shape. In can ka ba teh? Iyang damit mo, kelan pa iyan? Naligo ka ba talaga? Ayos ayusin mo nga iyang pagmumukha mo  ha? Bawal ka ng humarap sa akin ngayon."
Itinulak ko siya palayo, tinadyakan, at saka muling itinulak. Nahulog siya sa bangin.
"sa lahat ng ayaw ko. Iyon iyong tinatawag akong pangit! Tingnan natin kung makabangon ka pa diyan! G*G*"

Monday, January 16, 2012

Royal, habulin ang Kulet

Kabanata 3: Ang buwan at ang araw

Seryoso na ito. Wala nang lokohan pa. Gabi sa may liwasan, hinintay ko si Nardo. Ngunit hindi siya dumating, Sa nagdaang mga buwan, para akong baliw na sinusundan sundan siya sa kanyang pinatutunguhan. Alam ko ang kanyang mga ruta kaya inaasahan ko na rin na dito siya sa liwasan magdaraan patungo sa bulwagan kung nasaan ang pagdiriwang para sa isang masaganang taong nagdaan. Ngunit wala siya kaya nagtungo na ako sa bulwagan. Marami na ring tao ang narorooon at doon ko siya nakita na may kasamang babae.

Nagpupuyos ang aking damdamin, hindi ko naisip na mayroon na pala siyang babaeng iniibig. maganda nga ito at mukhang edukada. marunong siyang pumili, iyon na lamang ang aking masasabi. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya naman ng may nakita akong lalakeng palapit sa akin ay agad ko na ring kinabig ito at siya na ang kinasama ko. Sa pagdaan ng gabi ay napaisip ako. hindi nga siguro kami para sa isa't isa. ako ang buwan at siya ang araw. Nabubuhay kami sa dalawang magkaibang panahon. Kinukuha ko lamang ang aking liwanag sa lakas ng kanya. Isa akong mahinang nilalang na kailan man ay hindi magiging karapatdapat sa kanya.

"Binibini..."
Napatingin ako sa lalakeng nagsalita. Pamilyar ang kanyang mukha. saan ko nga ba siya nakita?
"Ako nga pala si Ting. Nakikita ko wala ka ng kasama."
"Meron, umalis lamang siya upang habulin iyong babaeng iniibig niya. babalik iyon."
"Ganoon ba? pero kung sakasakali man, maari ko bang itanong kung pwede kitang samahan?"
"Naitanong mo na."
"Kung gayon ano ang iyong tugon?"
"Paano kung sabihin kong hindi maaari? ano ang iyong gagawin?"
"Aalis ako. Nirerespeto ko naman ang lahat ng desisyon. Iyon ba ang iyong nais?"
"Hindi. Maaring dumito ka muna hanggang sa bumalik ang aking kasama."
"Ano pala ang iyong ngalan?"
"Bakit mo kailangang malaman kung ako ay iyong sasamahan lang?"
"Gusto ko rin kasing magkaroon ng pangalan ang babaeng iisipin ko sa gabing ito."
"Adarna. Ako si Adarna."

"Adarna."
"haha.. Nardo. Ang galing ng timing mo. Tara!"

"Sino iyon?" tanong niya ng makalayo kami.
"You don't need to know"
"Oh. bakit nag-iba ka bigla ng lenggwahe?"
"BH eh."
"Ano ang BH?"
"Broken hearted T."
"T?"
"Sobrang T."
"Ano na naman iyon?"
"Tanga. Sobrang Tanga."
"Ang sama mo naman. Ano bang nangyayari sayo? Naengkanto? Nakulam? Ano?"
"kasalanan mo. Di mo ba alam WMFEO!"
"Ayusin mo kasing magsalita. Hindi tayo nagkakaintindihan."
"GTG"
"Bahala ka diyan."
"magwowalk out ka? Teka, ako muna, sunod ka!" At umalis na nga ako matapos noon. Ang hirap sabihin sa kanya eh. WMFEO naman kasi talaga. Were Made For Each Other. Agree?

angkulet

Kabanata 2: Sa pangalawang pagsuyo
Sa loob ng maraming panahon ng pagsasama, nagkaroo ng kapayapaan sa planetang aming kinalagakan. Nagkaintindihan ang marami at hindi na ako nagigimbal sa mga nagaganap na ligawan. Marami na ang nagkakapalagayang loob sa planetang ito. Gayon lamang ay hindi ko sila pwedeng pangalan kaya't daanin natin ito sa tinatawag ng mga alien na "BLIND ITEM". Keri na to.

Item no. 1
Sino ang dalagang ito na kamakailan lang ay nakitang inihahatid ng isang binata hanggang sa boarding house nila? Balibalita ang madalas na pag-uusap ng dalawa, at ang madalas na pagdalaw ng binata sa kinauupuan ng dalaga. Itago na lang natin sila sa pangalang Gabriela at Diego.

Item No. 2
Sino itong dalagang may gusto sa lalakeng gusto rin ng kanyang kaibigan? Halata ang pagtangi nito sa binata at tila raw sinasadya nitong ipahalata sa kaibigan na may gusto siya dito. May the best girl win? Itago natin siya sa pangalang Segunda Leonora Tigbak Ka na.

Item No. 3
Sino nga ba itong dalawang nilalang na kahit laging magkatabi ay hindi pa rin nag-aaminan ng nararamdaman kahit tingin ng karamihan ay para sila sa isa't isa. Kitang kita ito sa lagi nilang paghaharutan. ang lalake ay si Juan, at ang babae naman ay si Juana.

teka. kwento ko ito eh. Love story ko ito, bakit inunahan pa ako ng mga ito! Hindi pwede... Nasaan na nga ba iyong ka Love Team ko? NARDO!!!!!!!

Saturday, January 14, 2012

a!n@g#K$u%l^e&t

Kabanata 1: Si Nardong Putik
Hindi ko inaasahan na sa ganitong lugar pa ako mapapadpad. Isang makitid na kalawakang may iba't ibang klaseng nilalang. Apat lamang ang nakita kong kauri, at sila lamang ang aking nakasalamuha sa isang  linggong pamamalagi sa planetang aking kinabibilangan nagyon. Marahil ay dahil na rin ito sa magkakaiba ang mga lengwahe ng mga taong kasama namin sa lugar na ito at baka hindi kami magkaintindihan.

Buti na lang may mga nakatatanda na handang gumabay at sa tulong nila, mas naging madali ang aming mga buhay at unti unti kaming nasasanay sa presensya ng bawat isa. Nararapat lamang na magkaisa na ang bawat lahi upang magtagumpay ang bawat isa sa kanilang sariling mga hangarin.

Una ko siyang nakita noong pagtatanghal. Siya si Nardong Putik. Matipuno siya, iyon lamang ang aking masasabi. At gaya ng mga naunang pag-ibig, bago pa man nagsimula ay may humahadlang na. Ang kanyang mga kapanalig, ang akin din. Ang aming magkaibang personalidad, sadyang magkaibang magkaiba kami na ayaw ko ng ipilit ang aking sarili. At hindi ko na rin binigyang pansin ang nararamdaman.

"Ano ang tingin mo sa binatang ito?" tanong sa akin ng aking kasangga. Ang tinutukoy niya ay si Nardo.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Kung tunay ba siyang lalake o hindi, ano pa nga ba?"
"Tunay. Bakit mo naman naitanong iyan?"
"Tingin ko kasi ay hindi."
"Paano mo nasabi?"
"Sa kanyang mga kilos at galaw. Masyado itong malamya, hindi katulad ng mga pangkarinawan."
"nasanay ka lamang siguro sa mga binata na naglalagi sa atin dati. Ibang mundo na ang kinalalagyan natin ngayon, maaaring siya ang pinakanatural na binata rito sa kanila. Hindi naman kasi tayo nabibilang dito."
"AT kasalanan ito ni tanda. Hindi tayo naririto kung hindi dahil sa kanya."
"Marahil ay mas mabuti na rin ang ganitong sitwasyon. Mas marami tayong nakilala. Hindi ba?"
"Kung sabagay..."
"Tara na nga lang sa panulukan at maghanap ng ibang mga bagay na mas interesante."

Nakakita din ako ng ibang lalake, kuri din ni Nardo ngunit hindi sila katulad nito. Ang mga ito ay naturingan kong dweho. sobra angg kanilang karisma ngunit iba ang ugali... Kapag nagsalita sila ay ganito.

"The mere fact that he doesn't know means he's an idiot man! I can't believe that in this kind of circumstances, I would meat an idiot like him. I can't stand the man dude!"

We cant stand you either jerk! Tinuro lang sa akin iyan ng isa sa aming mga naging kaibigan. Pakiwari ko ay isa itong masamang lenggwahe na dapat kong iwasan. Ngunit sa ganitong paraan kami'y magkakaintindihan at sa pamamaraang ito naipapahayag ko na rin ang aking damdamin. Tampalasan talaga ang karamihan, ngunit napagtatyagaan naman. Pwera na lang ang isa. Halatang naiiba na galing sa ibang planeta sapagkat kahit ang kanyang mga kaibigan ay hindi naiintindihan ang kanyang salita.

"ay warla na ito gerla. meldi kasi teh. ayaw pakabog ni chenes. Nasaan na nga ba iyong phonelia ko, maitext nga si mudra, at kailangan ko na ng kyona. mahalia si jowabelles. magcrayola pa aketch."

kabog makaokray ang lola mo sa melding ito! jutay naman kasi teh. pringles! anita linda, lukresha kasilag. betsive nga niya iyong betsung ko. chapluk ang meldi!

ngunit ngayon... enlababo kukuru-itaynes kay Nardo. Gorah na ang lola!

Monday, August 22, 2011

matinong usapan ng magkaibigan 4


malungkot si Kaye, nasa kwarto lang siya at kinakanta ang original composition ni Jade Pitogo na pinamagatang "three words eight letters (say it and I'm yours).

"When I look back on those times.
And the days that's left behind.
I just want us back together.
Can I wish that on a star?

That someday, you'll be back for me.
That one day we'll be back together."


"anak... hinahanap ka ni Julius, nasa baba siya." narinig niya nag boses ng nanay niya sa tapat ng kanyang pinto. Pero hindi siya lumingon. "Problemado, baka kailangan ng advice mo. harapin mo na."

"Wait lang ma! Tapusin ko lang tong kinakanta ko." sabi niya at ipinagpatuloy nga ang kanta.

"If i just knew that that would happen.
I should've kissed and hugged you tight.
If I just knew that that would happen.
I should've never let you go.

On the day that you ask me to marry you.
When the night was filled of your love for me.

I should've said three words.
I should've said eight letters.
I should've said I love you.
So youre here with me now.


I should've said three words.
I should've said eight letters.
I should've said I love you.
So that you didn't leave me"

"Best! Nagmumukmok ka?" napatingin sa Kaye sa pinto niya. Nakatayo doon si Julius may hawak hawak na stuffed toy na palaka, favorite niya. She tried to smile but her sadness gave her away.

"Para sa akin ba iyan?" tanong niya.

"OO. Pero bakit ganoon? Parang mas malala pa iyang problema mo kaysa sa ipapaproblema ko sa'yo?" sabi ng kaibigan niya na tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto niya.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw. Mahal kasi kita Kaye eh... Pwede mo ba akong tulungan, friends naman tayo di ba?"

Nagulat siya sa narinig at ilang saglit din bago siya nakarecover sa shock. "Teka. Ako ba niloloko mo? Gago ka! Paano si May?! Di ba mahal mo din siya?!"

"Ikaw ang pinili ko. Naaksidente si May dahil hindi niya matanggap iyon. At iyong ilang linggo kong pagbabantay ko sa kanya sa ospital ay front lang para ipaintindi sa kanya, linawin na tapos na kami. Na ikaw ang mahal ko at hindi ko kayang mawala sa buhay ko!"

Napapikit si Kaye sa mga narinig. "Lord, totoo po ba ito o nananaginip lang ako?" sabi niya ng malakas na napangiti niya si Julius. "Ulitin mo nga ulit iyong sinabi mo.'

"Grabe ka naman, ang dami no'n"

"Sige na..."

"Ito na lang mas madali... Kaye... mahal na mahal kita. May pag-asa ba ako kung sakasakaling tanungin kita... Pwede ka bang ligawan?" sabi niya.

Napangiti ang dalaga... "Seryoso to ha?"

"OO nga! ang kulit naman oh!"

"mahal din kita Julius..."

"Seryoso iyan?"

tumango siya. "pero after 3 months mo pa ako pwedeng ligawan. kabebreak lang namin ni Weinn eh. 3 month rule remember?"

"Oo naman."

"kung ako, hindi lang oo iyan. OOng OO"


END

matinong usapan ng magkaibigan 3

"Best!" si Kaye iyon. Agad tinanggal ni Julius ang earphones na nakasaksak sa tenga niya ng makita ito na paakyat sa hagdan ng bahay nila. "Julius!"

"Easy..." sabi niya rito. "Ano ba iyon?"

Naupo si Kaye sa tabi niya. "May date kami ni Weinn ngayon!"

"Tapos?"

"Hindi ko alam ang isusuot ko! Dapat ba talaga palda?"

"Malay!" sabi nito.

"Wala kang kwenta. Nasaan ba si ate Julie?"

"Nasa ospital, may duty." matino niyang sagot.

"E si Kuya Francis?"

"Umalis, hindi nagpaalam, ewan ko kung kelan darating." sabi niya. "Bakit ba? Kahit ano na kasi ang isuot mo ah. Hindi ka naman siguro lalaitin ng boyfriend mo kung magsa-saya ka. Ikakahiya ka nga lang siguro niya. Magpantalon ka na kasi! Ang daming arte."

"Ano ba ang isinusuot ni May pag kayo ang nagdedate?"

"Palda. Most of the time. Pero bakit kasi palda? Ok naman ang jeans ah!"

"Sige na nga... Pero best, paano pag halikan niya ako?"

"Pati ba naman iyan ipapaproblema mo sa akin?"

"E kasi... ayoko siyang maging first kiss."

"Umiiral na naman iyang pagkachoosy mo ah."

"Hindi naman... kaso kasi... ayaw ko talaga."

"Halika ngarud dito ta halikan na kita. Ako na ang magiging first kiss mo. Gusto mo ba iyon?" seryoso siya, iritado pero talagang seryoso.

"Eeehhh... seryosohan ah."

"Ah, bahala ka diyan."

At siya na mismo ang lumapit kay Julius at humalik sa lips ng binata. Naks! Itinulak siya ng binata as if siya ang mahinhin na babae sa eksena.

"Lang ya ka. Nakachansing ka na naman. Problema mo? Nakadrugs ka ba o ano? Bakit mo ginawa iyon???"

"Eh sabi mo pwede eh." napatawa si Kaye. "Sok lang iyan best, magkaibigan naman tayo. Walang malisya iyon!" Nginitian niya ito. "Thank you. Alis na ako, kita na lang tayo mamaya ha?"

"Adik! Ingat ka ha?"

Pero noong makaalis si Kaye, ngumiti lang din naman siya, at kinilig ano pa nga ba? pero weird pa rin iyong mga ganoong reaksyon. Wala nga bang malisya o meron talaga?




Dumating iyong panahon kung saan pipili na si Julius at ipapahayag na niya iyon kay May, ang girlfriend niya sa kasalukuyan. Hindi alam ni Kaye na ito na iyong araw na iyon. Nagkita sina Julius at May sa 8th side ng kiosk. Ilang oras na nakinig ang babae sa speech ng lalake. Hanggang sa may makakita na lang sa kanila na nagyayakapan, sabay halik si lalake sa noo ni babae. The usual interpretation of a kiss at the forehead is 'he's serious about you'. Then they parted ways.

Nakarating ang balitang ito kay Kaye, at napangiti naman daw siya. "Wise choice" sabi niya sa sarili. Hinarap niya ang kasintahan na siyang nagbalita sa kanya. "I'm breaking up with you!"

"Bakit?"

"MAy hahabulin lang ako."

"Ano?"

"Iyong pagmamahal ng bestfriend ko."



Tingin niyo? Mahahabol ba niya?
Pumunta siya sa bahay nina Julius matapos siyang makipagbreak kay Weinn. Si ate Julie nila ang nadatnan niya roon. Nakauniform pa rin ito mula sa ospital at may kausap sa telepono. The older girl sighed. At nagtaka naman daw siya.

"Kaye. Wala pa rin si Julius eh." sabi niya agad rito ng maibaba niya ang telepono.

"Nasaan po ba siya ate?"

"Nasa ospital." Kinabahan siya sa narinig. Naaksidente ba si Julius? "Naaksidente si May, hindi niya maiwan. Ayaw niyang iwanan actually. Gusto daw niya na nandoon lang siya pagkagising ni May. Ewan ko ba sa batang iyon! Halika na nga lang dito at kumain tayo."

Gumuho ang mundo ni Kaye sa narinig. Wala na silang pag-asa ni Julius, kahit kailan hindi magiging sila. Si May ang pinili niya, at wala na siyang magagawa kung kay May liligaya ang bestfriend niya. Hanggang bestfriend na lang talaga sila...