Thursday, April 19, 2012

story telling with kuya



Greg Alec and Jazz...
Katatapos lang magbihis ni Jazz nang pumasok sa loob ng kuwarto niya si Greg na may dala pang unan at kumot.
"Hoy!" sabi niya rito habang inihagis ng kanyang kapatid ang mga dala sa kama niya. "Huwag mong sabihing dito ka matutulog?" Gulat talaga siya. Dahil never silang nagtabi ni Greg. Himala talaga na gusto na nitong matulog sa tabi niya.
"Namimiss nga kita."
"Normal pa ba iyang takobo ng utak mo kuya?"
"Marami akong ikukwento sa'yo."
"Gaya ng?"
"Love story ko."
"Siguraduhin mo lang na maganda iyan ha?"

Humiga siya sa kama at hinila naman ni Greg ang upuan mula sa study table niya at saka nag-umpisa ng magkuwento.
"Hindi mo alam na apat na ang ex ko. Ang una ay nakuha ko noong second year high school pa lang ako. Alice ang pangalan niya. Kamukha niya si Snow white. Two months lang ang itinagal ng relationship namin, dahil kay Jini. Ang kapitbahay nating mangkukulam, enemy since birth. Ang pangalawa naman ay si Mika. Kamukha niya si Selena Gomez. Five months kami. At nagbreak kami dahil uli kay Jini. Ang pangatlo kong girlfriend ay si Sarah. Kamukha niya si Sam Pinto. Eight months kami. Nagbreak kami sa mismong araw ng aming eight monthsary dahil uli sa pinakamamahal mong ate Jini.
"Alam mo na ngayon ang dahilan kung bakit ako galit na galit sa kanya. Kinder pa lang kami ang sarap na niyang patulan! Naaalala ko pa lahat ng kalokohan niya. Kinder pinutol niya ang mga crayons ko ng walang dahilan. Pinunit niya iyong notebook ko sa Filipino noong Grade four kami. Dinuraan pa kaya niya iyong kamay ko noong grade six. Pero kahit ganon noong napatrobol siya, ipinagtanggol pa rin namin siya ni Alvin. Pero anong ginawa niya? Sinira pa rin niya ang buhay ko. Grabe! Perwisyo talaga siya.
" Bakit ba nakipagbreak iyong mga girlfriend mo sa'yo? Ano bang ginawa ni ate Jini?"
"Ipinagkalat niya na two timer ako." Naniwala naman itong si first girlfriend. Noong pangalawa, iyon uli ang sinabi niya, hindi agad naniwala si second girlfriend. Gumawa siya ng paraan. Iprinesenta niya mismo ang sarili niya sa madla, nagpakilala siyang girlfriend ko. Ang bruhang iyon. Iyong pangatlo naman, iyon din ang ginawa niya. Nakipagsabunutan pa nga siya kay Sarah sa labas ng campus dati. Kung nakita mo lang sana ang hitsura namin ni kUya Alvin mo habang inaawat namin sila. Terible! Mukha kaming saranggalong wasak na wasak.
"Naku! Kung alam ko lang na kaya niyang gawin iyon. Hindi ko na sana ginupitan iyong buhok niya ng one inch. Hindi ko na sana pinutol ang mga lapis niya. Hindi ko na sana itinago ang sapatos niya sa drawer ng teacher's table. Sige, ako na ang may kasalanan. Pero iyong fourth girlfriend ko... Siya mismo."
"What????!!!!!"
"Alam kong mahirap paniwalaan. Pero, naging girlfriend ko talaga si Jini. Sa prom iyon nag-umpisa. Ang hirap mamili ng partner, lalo pa't same iyong number ng boys at girls sa classroom namin dati. Syempre, si bestfriend Alvin, girlfriend na noon si Mitch. Ako naman, una pa lang tinanggal ko na sa listahan ang tatlong ex girlfriends at si Jini. Pero isang linggo bago iyon, napanaginipan kong sumasayaw kaming dalawa. Tapos naging prom king and queen pa daw kami. Ay grabe! Sukang suka ako! Pumasok ako no'n ng school ng badtrip na badtrip.
"Tapos pagdating ko, pinatayo pa ng adviser namin lahat ng wala pang date. Malamang kasali ako. Kasali din siya. May lalakeng naglakas loob na nagsabing si Jini ang gusto niyang maging date. Si Alex yata iyon. Tiningnan ko si Jini. Blanko iyong expression niya. Pero kahit ganon ang ganda niya sa paningin ko noong araw na iyon. Straight na straight iyong buhok niya and blah blah. Ewan. Doon ko yata talaga siya nakita as someone other than an enemy.
"Kaya bago pa siya makaoo kay Alex ay sumabat na ako. Sabi ko 'Oi, teka lang! Gusto ko din si Jini'. I never thought I would say that. Pero nasabi ko. At proud ako doon. Bigla akong tinukso ng mga kaklase namin sa pangunguna ni Alvin. Mga effect lang ng high school. Matindi ang tama ng kilig sa kanila e. Pati kaya iyong adviser namin kinilig noon. Siya lang ang masama ang tingin sa akin. Pero bago pa ako makangiti ay nagdeclare na ng silence si adviser. Tapos ipinaramdam niya sa akin na hindi kami pwede kasi may mas nauna nang nagsabi. At si Alec iyon.
"Nagprotesta ako! Bakit? Hindi naman ako papayag na maungusan na lang. Isa pa, doon ko lang nagustuhan ng sobra si Jini. Bilib nga sa akin ang mga kaklase namin sa argument na ibinigay ko. Sabi ko kasi 'The law of first come first served should not be applied in that situation. It is a serious matter. Just because he's the first one to ask the lady she is already obliged to say yes to him even if she doesn't really want him. Courtesy doesn't mean anything. The girls should be given an equal opportunity to chose who they want to date. And if she says no. The guy should accept it, even if it is rude!'
"Desperado ako, little sis. Pero pumayag naman ang teacher ko na pagpiliin ang mga babae. When it was her turn to chose talagang nagdasal ako na sana ako ang piliin niya. Nagkaroon nga ng himala at binanggit niya ang pangalan ko. Napatalon pa nga yata ako eh. Sa kayabangan ko, nag-assume na lang ako na matagal na siyang may gusto sa akin.
"Pero gabi ng prom, nag-away kami diyan sa may tapat ng bahay. Ayaw ko nga kasing isuot iyong iyong pink na polo na ibinibigay niya sa akin! Aba! Ayaw ko nga. Di pagkatapos ng sigawan namin, nagdesisyon na akong hindi dumalo. Hindi ko alam iyon din ang plano niya. Pero pinilit siya ng mama niyang pumunta. Last prom na daw kasi iyon. Nang sumilip ako sa bintana, sakto namang lumabas siya ng bahay. Bihis na siya. At ang ganda ganda niya. Palalampasin ko ba naman iyon? Edi nagbihis na rin ako at sumunod. Sinuot ko iyong pink na polo na binato niya sa akin. Ako ang last dance niya. Doon ko na rin sinabi na gusto ko siyang ligawan. Doon naman nasira ang gabi niya.
"Matapos non, nalaman ko na lang na nililigawan din pala siya ni Alex. Matinding ouch iyon. Ano naman kasi ang panama ko. Pero hindi niya sinagot iyong mokong. At noong iwan tayo ng mga magulang natin, nandoon siya para damayan ako. Nang araw ding iyon, nakuha niya ang first kiss niya. Mula sa akin. At siangot na rin niya ako kahit hindi ko narinig ang I love you, ok lang sa akin. Kasi mahal ko na siya non. Matagal ko na siguro siyang mahal, noon lang ako umamin sa sarili ko. Iyon din ang dahilan kung bakit kami nagcecelebrate ng valentines day tuwing February 12. Ang araw kung kailan naging kami. Unfortunately..."
"Nagbreak kayo noong February 14."
"Paano mo nalaman?" tanong niya.
"Lucky guess. Nalala ko lang iyong sagutan niyo. Ang lakas kaya! Dinig ng lahat ng kapitbahay kung paano ninyo laitin ang isa't isa."
"Oo. Alas tres yata iyon ng hapon. Ewan. Nagsawa lang siguro kami sa pagiging mabait sa isa't isa. Nagkasundo na lang kami na manatiling magkaibigan. Pero balik sa awayan-na-walang-batian ang tema naming dalawa. Pero mahal ko pa rin siya. Nahihirapan din ako sa tuwing iniisip kong aalis na ako. Paano na kami? May future ba?"