Showing posts with label End. Show all posts
Showing posts with label End. Show all posts

Friday, January 20, 2012

Pahabaan ng Kulet

Kabanat IV: ang Katapusan ni Nardong Putik

Hindi ko malaman kung bakit ko naiisip ang mga ganitong bagay. Sa aking gunita ay biglang nagpakita ang kanyang mukha.At ang kanyang tinig, para ko na ring naririnig. Ngunit kasabay noon ay ang masaya niyang mukha kasama ang babaeng sinisinta niya. May matinding kirot akong naramdaman sa aking puso, kakaiba.

Naisip ko rin bigla, paano nga ba ako makakaligtas sa ganitong sakit. Isang epidemya sa puso na walang lunas kundi ang mawala ako, o mawala sila, o siya. Tama nga! Ayaw ko pang mamatay, kaya humanda ka Nardo... paano nga ba kita papatayin?

Unang ideya:
Itapon sa dagat para malunod o makain ng pating.
Pero mahirap kasing malunod ang isang taong marunong lumangoy, at paano kapag ayaw siyang kainin ng mga pating o walang pating sa dagat, edi useless.

Pangalawang ideya:
papuntahin sa mataas na building at saka itulak o kaya sa bangin na lang.
Pero paano pag naisama niya ako sa kamatayan niya? At saka kawawa naman siya pag nahulog siya doon. Di ba? Malalasog iyong katawan niya, mababali mga buto niya, mawawasak iyong mukha niya. Edi na loss na iyong kagwapuhan niya. Di iyon pwede.

Pangatlong ideya:
Bitayin. Lasunin.
Pero hindi ko yata kakayanin ang instant death niya, dapat iyong makakapagsabi pa siya ng last words niya. Ano nga kaya?

"Hoy, ang lalim naman ng iniisip mo." si Nardo. "Ano ba iyan?"
"Friends tayo di ba?" tanong ko. "May hihingin akong pabor."
"Sige. kahit ano!"
"Heto ang kutsilyo, saksakin mo nga ang sarili mo."
"UY! GRABE KA NAMAN!"
"Seryoso ngay ako."
"May problema ka ba sa akin?"
"marami!"
"Gaya ng?"
"Hindi ka kasi boyfriend material eh. Pang bestfriend ka lang."
"Bakit kasi iyon pinoproblema mo?"
"Type nga kasi kita."
"E hindi kita type eh."
"Iyon na nga!"
"Maghanap ka ng iba."
"Pwede bang magmove on muna?"
"E di magmove on ka na."
"Hindi ko kaya pag nandiyan ka. Kaya pakamatay ka na."
"Pakamatay agad? Hindi ba pwedeng magkaroon muna ng iba o lumayo na lang, pwede ding sabihan kita ng hurtful words na hinding hindi mo kakayanin. Ano? Saan doon ang gusto mo para matapos na ito? One two o three."
"Iyong three na lang." ang naging sagot ko.


"Ang pangit pangit mo. Wala kang karapatang ibigin ang isang gwapong katulad ko o kaya mabuhay sa mundong ito.Kasi pangit ka. Ipinanganak ka para laitin ng iba. Tingnan mo nga iyang katawan mo, walang kashape shape. In can ka ba teh? Iyang damit mo, kelan pa iyan? Naligo ka ba talaga? Ayos ayusin mo nga iyang pagmumukha mo  ha? Bawal ka ng humarap sa akin ngayon."
Itinulak ko siya palayo, tinadyakan, at saka muling itinulak. Nahulog siya sa bangin.
"sa lahat ng ayaw ko. Iyon iyong tinatawag akong pangit! Tingnan natin kung makabangon ka pa diyan! G*G*"

Monday, August 22, 2011

matinong usapan ng magkaibigan 4


malungkot si Kaye, nasa kwarto lang siya at kinakanta ang original composition ni Jade Pitogo na pinamagatang "three words eight letters (say it and I'm yours).

"When I look back on those times.
And the days that's left behind.
I just want us back together.
Can I wish that on a star?

That someday, you'll be back for me.
That one day we'll be back together."


"anak... hinahanap ka ni Julius, nasa baba siya." narinig niya nag boses ng nanay niya sa tapat ng kanyang pinto. Pero hindi siya lumingon. "Problemado, baka kailangan ng advice mo. harapin mo na."

"Wait lang ma! Tapusin ko lang tong kinakanta ko." sabi niya at ipinagpatuloy nga ang kanta.

"If i just knew that that would happen.
I should've kissed and hugged you tight.
If I just knew that that would happen.
I should've never let you go.

On the day that you ask me to marry you.
When the night was filled of your love for me.

I should've said three words.
I should've said eight letters.
I should've said I love you.
So youre here with me now.


I should've said three words.
I should've said eight letters.
I should've said I love you.
So that you didn't leave me"

"Best! Nagmumukmok ka?" napatingin sa Kaye sa pinto niya. Nakatayo doon si Julius may hawak hawak na stuffed toy na palaka, favorite niya. She tried to smile but her sadness gave her away.

"Para sa akin ba iyan?" tanong niya.

"OO. Pero bakit ganoon? Parang mas malala pa iyang problema mo kaysa sa ipapaproblema ko sa'yo?" sabi ng kaibigan niya na tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto niya.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw. Mahal kasi kita Kaye eh... Pwede mo ba akong tulungan, friends naman tayo di ba?"

Nagulat siya sa narinig at ilang saglit din bago siya nakarecover sa shock. "Teka. Ako ba niloloko mo? Gago ka! Paano si May?! Di ba mahal mo din siya?!"

"Ikaw ang pinili ko. Naaksidente si May dahil hindi niya matanggap iyon. At iyong ilang linggo kong pagbabantay ko sa kanya sa ospital ay front lang para ipaintindi sa kanya, linawin na tapos na kami. Na ikaw ang mahal ko at hindi ko kayang mawala sa buhay ko!"

Napapikit si Kaye sa mga narinig. "Lord, totoo po ba ito o nananaginip lang ako?" sabi niya ng malakas na napangiti niya si Julius. "Ulitin mo nga ulit iyong sinabi mo.'

"Grabe ka naman, ang dami no'n"

"Sige na..."

"Ito na lang mas madali... Kaye... mahal na mahal kita. May pag-asa ba ako kung sakasakaling tanungin kita... Pwede ka bang ligawan?" sabi niya.

Napangiti ang dalaga... "Seryoso to ha?"

"OO nga! ang kulit naman oh!"

"mahal din kita Julius..."

"Seryoso iyan?"

tumango siya. "pero after 3 months mo pa ako pwedeng ligawan. kabebreak lang namin ni Weinn eh. 3 month rule remember?"

"Oo naman."

"kung ako, hindi lang oo iyan. OOng OO"


END

Friday, August 12, 2011

venus to mars and back to venus

"She's taken Mr. Arnaiz,"

"Ay... di pa nagsisismula, broken hearted na?" pang-aasar ng katabi niya. "Ang sakit niyan tol."

"Edi agawin! Problema ba iyon?" ganti niya, determinado ang antipatiko... Ang yabang, akala mo naman may panlaban. Para daw siyang sumugod sa digmaan nang wala man lang back up at strategy na nalalaman. Ang alam lang niya, in love siya. Sapat ba iyon? Naging sapat dahil napangiti ang magandang dalaga.

Binalingan nito ang teacher nila, "call slip po sir," inabot nito ang brown slip sa teacher at saka nagpaalam. Sinundan talaga niya ito ng tingin. Venus... ang ganda niya, mahuhumaling ka talaga.

"in love talaga oh," sabi ng instructor nila. "hindi mo iyon maagaw sa boyfriend niya! mahal nila ang isa't isa Mr. Arnaiz. Maghanap ka na lang ng iba."

"Siya nga ang gusto ko!" pilit niya. "and we never know right? Bakit, kasal na ba sila?"

"ang mga ganyang kaisipan hindi uubra. Bakit mo aagawin e iba nga ang mahal niya? bawas bawasan mo iyang mga ganyang kalokohan ha?"

"bakit sir? Dahil ba dito kaya namatay si Rizal?" sigawan ang klase... lokoloko! "hindi naman matalino si Rizal, di nga niya alam na mamamatay na siya noon e."

"batang ito oo... you missed a quiz by the way."

"can i earn extra credit sir?"

"NO. extra work for you means extra work for me." Astig din ang teacher e... sabagay, tama naman. they were dismissed at nag-isip na ng plano ang bida ninyo. Pero, wala namang laman ang utak niya, kaya magpass forward tayo mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

Naging magkaibigan sina Mars at Venus, iyon lang ang kailangan niyong malaman. Pinagkakatiwalaan na siya ng babae, at minsan ng umiyak ito, ganito na lang ang nangyari...

"break na kami ni Arnold" sabi nito. "T-in-wo time niya ako. Walang hiya siya, ang kapal ng pagmumukha niya."

Dahil nasasaktan ang mahal niya, at wala siyang magawa, natahimik siya... saka bigla biglang hinalikan ang dalaga na hindi naman tinutulan nung una. So there, naging sila.

Masaya na ba? hindi pa.
Nanonood sila ng sine, sucker punch... nagring ang phone ng babae sa kalagitnaan ng palabas. nagpaalam siyang lalabas muna saglit at babalik rin. Pero natapos na iyon at lahat lahat, wala nang bumalik pang Venus sa tabi niya. he started to get worried, text siya ng text, hindi nagrereply, tinawagan niya, unattended ang drama. Ibinaba niya ang cellphone, biglang natigilan, umiwas ng tingin at saka umuwi.

"anong nangyayari sa'yo Mr. Arnaiz?" tanong ng instructor nila sa Rizal.

"T-in-wo time niya ako." sagot niya. "ang sakit! di na lang niya sinabi na nagkabalikan sila kaysa naman sa makikita ko pang ganoon ang sitwasyon. Swit-switan." napatingin na ang buong klase sa kanya.

"Alam ba niya na alam mo na?"

"hindi pa." sagot niya.

"Bakit hindi pa? Anong hinihintay mo? Makipagbreak ka na ah!" sabi ng katabi niya.

"Ayaw ko!"

"Martyr effect gano'n? Tol, makipagbreak ka na. Mas masakit kapag siya ang nakipagbreak sa'yo. Marami pa namang iba diyan e!" sabi nung isa.

Tumango lang siya and sighed. "First serious love ko siya, kaya ko nga kayang kalimutan siya? Hindi e. hindi talaga. Hindi ko kaya. Hindi."

"Paulit ulit?"

"Bakit? hindi rin naman alam ni Rizal na maiinlove siya ah!"

"Kulang Mr. Arnaiz, alam ni Rizal na normal sa isang tao ang umibig. Ang hindi niya alam ay pwede palang umibig ang isang tao sa iba't ibang babae."

Noong muli silang nagkita ni Venus ay dineretso na agad niya ang tanong. "Makikipagbreak ka na ba sa akin?"

"Ok ka lang? Anong nakain mo? May ipapakilala nga ako sa'yo e."

"Sino? Boyfriend mo?"

"You're acting weird!" sabi sa kanya ng dalaga. "Kuya ko!"

'Nasaan? Wala naman.'

"Likod mo." tumingin siya at doon niya nakita ang lalakeng kasama nito dati noong nanood sila ng sine.

'KUYA? may kuya bang nakikipaghalikan ng lips to lips sa kapatid? Ang kapal naman ng mukha mong ipakilala siyang kuya sa akin?" sabi niya kay Venus. "alam ko, kung diyan ka masaya edi diyan ka. Wag mo lang tangkaing bumalik sa akin pag nasaktan ka, wala kang babalikan, sinisiguro ko iyan." at iyan na... Break na sila.

Hindi naman lahat ng kwento dapat masaya...
Nangyayari talaga ang hiwalayan...
Kasawian...
At nandiyan lang sa tabi ang kalungkutan...

Pero ito ang nangyayari kapag hindi ka tumitingin sa daan.
may makakbangga ka na hindi mo inaasahan.

Kumanta na naman ang mga anghel, umihip na naman ng malakas ang hangin lalo na ng magtama ang mga mata nilang dalawa. love at first sight na ang drama.

"Sorry miss..."

"Ok lang."

"God! The black hole swallowed my planets." nasabi niya ng malakas.

"Ano? Just because my name is Venus doesn't mean I'm already a planet."

"Venus na naman?!" sabi nito.

"may problema ka sa pangalan ko?"

"wala, gaya nga ng sabi mo, hindi ka naman planeta. But Mercury had delivered the message, Jupiter and Juno had agreed... and with this I ask you to be mine. Hi, I'm Mars, God of war at your service."

another love had blossomed...
at sa ganyang paraan nakilala ni Mars si Venus...

END