Monday, January 16, 2012

angkulet

Kabanata 2: Sa pangalawang pagsuyo
Sa loob ng maraming panahon ng pagsasama, nagkaroo ng kapayapaan sa planetang aming kinalagakan. Nagkaintindihan ang marami at hindi na ako nagigimbal sa mga nagaganap na ligawan. Marami na ang nagkakapalagayang loob sa planetang ito. Gayon lamang ay hindi ko sila pwedeng pangalan kaya't daanin natin ito sa tinatawag ng mga alien na "BLIND ITEM". Keri na to.

Item no. 1
Sino ang dalagang ito na kamakailan lang ay nakitang inihahatid ng isang binata hanggang sa boarding house nila? Balibalita ang madalas na pag-uusap ng dalawa, at ang madalas na pagdalaw ng binata sa kinauupuan ng dalaga. Itago na lang natin sila sa pangalang Gabriela at Diego.

Item No. 2
Sino itong dalagang may gusto sa lalakeng gusto rin ng kanyang kaibigan? Halata ang pagtangi nito sa binata at tila raw sinasadya nitong ipahalata sa kaibigan na may gusto siya dito. May the best girl win? Itago natin siya sa pangalang Segunda Leonora Tigbak Ka na.

Item No. 3
Sino nga ba itong dalawang nilalang na kahit laging magkatabi ay hindi pa rin nag-aaminan ng nararamdaman kahit tingin ng karamihan ay para sila sa isa't isa. Kitang kita ito sa lagi nilang paghaharutan. ang lalake ay si Juan, at ang babae naman ay si Juana.

teka. kwento ko ito eh. Love story ko ito, bakit inunahan pa ako ng mga ito! Hindi pwede... Nasaan na nga ba iyong ka Love Team ko? NARDO!!!!!!!

No comments:

Post a Comment