Monday, January 16, 2012

Royal, habulin ang Kulet

Kabanata 3: Ang buwan at ang araw

Seryoso na ito. Wala nang lokohan pa. Gabi sa may liwasan, hinintay ko si Nardo. Ngunit hindi siya dumating, Sa nagdaang mga buwan, para akong baliw na sinusundan sundan siya sa kanyang pinatutunguhan. Alam ko ang kanyang mga ruta kaya inaasahan ko na rin na dito siya sa liwasan magdaraan patungo sa bulwagan kung nasaan ang pagdiriwang para sa isang masaganang taong nagdaan. Ngunit wala siya kaya nagtungo na ako sa bulwagan. Marami na ring tao ang narorooon at doon ko siya nakita na may kasamang babae.

Nagpupuyos ang aking damdamin, hindi ko naisip na mayroon na pala siyang babaeng iniibig. maganda nga ito at mukhang edukada. marunong siyang pumili, iyon na lamang ang aking masasabi. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya naman ng may nakita akong lalakeng palapit sa akin ay agad ko na ring kinabig ito at siya na ang kinasama ko. Sa pagdaan ng gabi ay napaisip ako. hindi nga siguro kami para sa isa't isa. ako ang buwan at siya ang araw. Nabubuhay kami sa dalawang magkaibang panahon. Kinukuha ko lamang ang aking liwanag sa lakas ng kanya. Isa akong mahinang nilalang na kailan man ay hindi magiging karapatdapat sa kanya.

"Binibini..."
Napatingin ako sa lalakeng nagsalita. Pamilyar ang kanyang mukha. saan ko nga ba siya nakita?
"Ako nga pala si Ting. Nakikita ko wala ka ng kasama."
"Meron, umalis lamang siya upang habulin iyong babaeng iniibig niya. babalik iyon."
"Ganoon ba? pero kung sakasakali man, maari ko bang itanong kung pwede kitang samahan?"
"Naitanong mo na."
"Kung gayon ano ang iyong tugon?"
"Paano kung sabihin kong hindi maaari? ano ang iyong gagawin?"
"Aalis ako. Nirerespeto ko naman ang lahat ng desisyon. Iyon ba ang iyong nais?"
"Hindi. Maaring dumito ka muna hanggang sa bumalik ang aking kasama."
"Ano pala ang iyong ngalan?"
"Bakit mo kailangang malaman kung ako ay iyong sasamahan lang?"
"Gusto ko rin kasing magkaroon ng pangalan ang babaeng iisipin ko sa gabing ito."
"Adarna. Ako si Adarna."

"Adarna."
"haha.. Nardo. Ang galing ng timing mo. Tara!"

"Sino iyon?" tanong niya ng makalayo kami.
"You don't need to know"
"Oh. bakit nag-iba ka bigla ng lenggwahe?"
"BH eh."
"Ano ang BH?"
"Broken hearted T."
"T?"
"Sobrang T."
"Ano na naman iyon?"
"Tanga. Sobrang Tanga."
"Ang sama mo naman. Ano bang nangyayari sayo? Naengkanto? Nakulam? Ano?"
"kasalanan mo. Di mo ba alam WMFEO!"
"Ayusin mo kasing magsalita. Hindi tayo nagkakaintindihan."
"GTG"
"Bahala ka diyan."
"magwowalk out ka? Teka, ako muna, sunod ka!" At umalis na nga ako matapos noon. Ang hirap sabihin sa kanya eh. WMFEO naman kasi talaga. Were Made For Each Other. Agree?

No comments:

Post a Comment