Saturday, January 14, 2012

a!n@g#K$u%l^e&t

Kabanata 1: Si Nardong Putik
Hindi ko inaasahan na sa ganitong lugar pa ako mapapadpad. Isang makitid na kalawakang may iba't ibang klaseng nilalang. Apat lamang ang nakita kong kauri, at sila lamang ang aking nakasalamuha sa isang  linggong pamamalagi sa planetang aking kinabibilangan nagyon. Marahil ay dahil na rin ito sa magkakaiba ang mga lengwahe ng mga taong kasama namin sa lugar na ito at baka hindi kami magkaintindihan.

Buti na lang may mga nakatatanda na handang gumabay at sa tulong nila, mas naging madali ang aming mga buhay at unti unti kaming nasasanay sa presensya ng bawat isa. Nararapat lamang na magkaisa na ang bawat lahi upang magtagumpay ang bawat isa sa kanilang sariling mga hangarin.

Una ko siyang nakita noong pagtatanghal. Siya si Nardong Putik. Matipuno siya, iyon lamang ang aking masasabi. At gaya ng mga naunang pag-ibig, bago pa man nagsimula ay may humahadlang na. Ang kanyang mga kapanalig, ang akin din. Ang aming magkaibang personalidad, sadyang magkaibang magkaiba kami na ayaw ko ng ipilit ang aking sarili. At hindi ko na rin binigyang pansin ang nararamdaman.

"Ano ang tingin mo sa binatang ito?" tanong sa akin ng aking kasangga. Ang tinutukoy niya ay si Nardo.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Kung tunay ba siyang lalake o hindi, ano pa nga ba?"
"Tunay. Bakit mo naman naitanong iyan?"
"Tingin ko kasi ay hindi."
"Paano mo nasabi?"
"Sa kanyang mga kilos at galaw. Masyado itong malamya, hindi katulad ng mga pangkarinawan."
"nasanay ka lamang siguro sa mga binata na naglalagi sa atin dati. Ibang mundo na ang kinalalagyan natin ngayon, maaaring siya ang pinakanatural na binata rito sa kanila. Hindi naman kasi tayo nabibilang dito."
"AT kasalanan ito ni tanda. Hindi tayo naririto kung hindi dahil sa kanya."
"Marahil ay mas mabuti na rin ang ganitong sitwasyon. Mas marami tayong nakilala. Hindi ba?"
"Kung sabagay..."
"Tara na nga lang sa panulukan at maghanap ng ibang mga bagay na mas interesante."

Nakakita din ako ng ibang lalake, kuri din ni Nardo ngunit hindi sila katulad nito. Ang mga ito ay naturingan kong dweho. sobra angg kanilang karisma ngunit iba ang ugali... Kapag nagsalita sila ay ganito.

"The mere fact that he doesn't know means he's an idiot man! I can't believe that in this kind of circumstances, I would meat an idiot like him. I can't stand the man dude!"

We cant stand you either jerk! Tinuro lang sa akin iyan ng isa sa aming mga naging kaibigan. Pakiwari ko ay isa itong masamang lenggwahe na dapat kong iwasan. Ngunit sa ganitong paraan kami'y magkakaintindihan at sa pamamaraang ito naipapahayag ko na rin ang aking damdamin. Tampalasan talaga ang karamihan, ngunit napagtatyagaan naman. Pwera na lang ang isa. Halatang naiiba na galing sa ibang planeta sapagkat kahit ang kanyang mga kaibigan ay hindi naiintindihan ang kanyang salita.

"ay warla na ito gerla. meldi kasi teh. ayaw pakabog ni chenes. Nasaan na nga ba iyong phonelia ko, maitext nga si mudra, at kailangan ko na ng kyona. mahalia si jowabelles. magcrayola pa aketch."

kabog makaokray ang lola mo sa melding ito! jutay naman kasi teh. pringles! anita linda, lukresha kasilag. betsive nga niya iyong betsung ko. chapluk ang meldi!

ngunit ngayon... enlababo kukuru-itaynes kay Nardo. Gorah na ang lola!

No comments:

Post a Comment