Friday, August 12, 2011

from MARS and VENUS

Wala talaga sa sarili si Marcelo Arnaiz a.k.a. Mars, noong panahong iyon. Kagagaling lang niya ng canteen at paakyat na ng 5th floor nang makasalubong niya ang isang babae. hindi agad nagregister sa utak niya ang mukha nito that he had to look again. So this is not exactly what you can call love at first sight. well, siya lang ang may sabi no'n.

At ang loko loko, nakalimutan na ang mundo kahit ang malakas na pagring ng bell sa di kalayuan ay hindi na rin niya narinig. Tanging ang tibok na lang ng kanyang puso at at ang malamig na fog na lang ang kanyang nararamdaman. At ang ginawa niya, sinundan ang babae...

Muula sa pagbaba nito sa canteen, paghiram ng libro sa library at pagtambay sa amphitheater. 30 minutes na ang lumipas nang pumasok siya sa kanyang subject. RIZAL.

"you're absent Mr. Arnaiz" sabi ng instructor.

"absent minded sir? I won't deny!"

"aba! bakit ngayon ka lang?"

"nakita ko kasi yung soulmate ko tang inis! ang ganda niya shit! sinundan ko pa ang walang hiya! mula canteen, library, amphi! bwisit! at hindi pa siya nag elevator! nakakapagod sir! Nakakapagod umibig!" tawanan ang klase... iba na talaga pag praning.

"stand up Mr. Arnaiz." tumayo ang gago. "if Rizal is a blogger, what would he have blogged about?'

"lovelife! nakailan nga bang babae si Rizal? madami dami rin... wala na rin sigurong naisulat na noli me o el fili! at wala na sana tayong pinag-aaralang RIZAL ngayon! Masaya!"

Strange when a young man falls into love...
May kumatok, pinapasok...

"siya yun!" sigaw ng praning na binata. "Ikaw na nga!"

"easy..." sabi ng kanyang katabi. "maganda nga, from head to toe... saan mo nakita yan?"

"sa hallway... ganda niya noh?"

"Para matahimik ka Mr. Arnaiz, this is my student... Venus Alcantara."

"Oh my god! we're meant to be! I'm Mars! and you're Venus... the planets have aligned, the stars have spoken! The sun has risen, catch me I'm in love!"


itutuloy ko pa ba? ang korny niya kaya!

2 comments: