Sunday, August 21, 2011

matinong usapan ng magkaibigan 2


"Julius!!!" patakbong pumunta sa tabi ng binata si Kaye. "Julius!" halata ang kasiyahan niya. Abot langit ang ngiti sa kanyang mga labi na napakunot ang noo ng kaibigan niya. "Shocks!"

"Ano? Nanalo ka sa lotto?" pabirong tanong nito. "Ang saya mo!"

"Tingnan mo kasi ito ah!" saka niya ipinakita ang suot niyang kwintas. "Bigay sa akin iyan ni Weinn."

"So?" wala namang special tungkol sa kwintas ah. Kwintas lang iyan, naipapakita ba niyan ang pag-ibig ng isang tao sa isang tao? Pero hindi niya sinabi ang saloobin dahil alam niyang maaasar sa kanya ang kaibigan at ayaw niyang mangyari iyon. Buti pa ito masaya, siya problemadong problemado na.

"Anong so? O sige, ganito... paano kung sabihin kong KAMI NA?!"

"WHAAAAATTTT?????"

"Kami na! And this is his first gift."

"Oh God! Disaster ka! Isang buwan-"

"Tatlong buwan..." singit niya sa thoughts nito.

"TAtlong buwan ka lang niya niligawan, sinagot mo na?! Ano ka ba? Sa break up applicable ang 3 months, pero pag ligawan, 6 months. Lokarette ka."

"Bakit? Sinagot ka nga ni May within the fourth month ah."

"Eh... nasa babae na nga kasi iyon."

"Oh, babae din naman ako ah, edi nasa akin na rin yun. Di ba?"

"Bahala ka nga."

"Pero kwento ko sa'yo." sabi niya at umusog closer to him. "ganito kasi iyan. Nakita ko sa wall niya na nakapost. Ang sabi doon: kung may babaeng makakatalo sa kanya sa DOTA magpapaalipin na siya."

"Saglit... parang alam ko na ito eh. Nakipaglaro ka sa kanya, ginamit mo character ko, at nanalo ka."

"Si Medusa naman ginamit ko e. Pero di ba? Hindi siya nagalit na may nakatalo sa kanya, pinanindigan pa niya iyong sinabi niya sa wall niya. Kaya, shocks, mahal ko na siya." Tumingin siya kay Julius. "mahal ko na siya best!" sabay hampas sa kaibigan.

"Aray... best, alam mo kaming mga lalake..."

"Ano?"

"Wala, di ko lang maintindihan. Kasi kapag ang lalake kinilig, ngingiti lang iyan sa isang tabi... Pero bakit pagka ang babae na ang kinilig, todo todo na ang hampas sa katabi!"

"Aba! dapat ka na palang kabahan kung ganoon." sabi ni Kaye. "Halata mo ba? Kahit anong gawin mo, isang matipid na ngiti lang ang ibinibigay sa'yo ng girlfriend mo. Hindi siya kinikilig sa'yo. OUCH!"

"Hindi lang siya showy at lalong di siya barbaric tulad mo."

"Sus! In denial."

"Alam mo, kasalanan mo din kung bakit sobrang cold sa akin ni May this days..."

"Nanisi pa!"

"Best, dumating na sa point na pinagpipili na niya ako sa inyong dalawa."

"Edi mamili ka!"

"Hindi ko kaya!"

"KAyanin mo!" pilit ni kaye. Umiwas ng tingin si Julius, pero patuloy pa rin siyang tiningnan ng kaibigan habang sinasabihan ng... "kasi ang tendency niyan best, kung hindi ka mamimili, baka mawala kaming pareho sa'yo. Pero pag may pinili ka, may matitira pa. At iyon, alagaan mo na."

"Palibhasa kasi hindi ikaw ang nasa istwasyon ko eh."

"Sus! kung papipiliin lang din naman ako ni Weinn, mamimili lang ako."

"At sino?"

"Natural SIYA! Gago ka ba? Ikaw kasi kahit anong mangyari, alam kong nandiyan lang sa tabi na nakagabay sa akin e. Kaya alam ko lang."

"Iba kasi iyang pagmamahal mo sa akin kesa sa pagmamahal ko sa'yo eh."


No comments:

Post a Comment