Sunday, August 21, 2011

matinong usapan ng magkaibigan


Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa iisang lugar lang. At iyon ay sa carousel... joke. Sa kwan pala, sa kiosk ng eskwelahan. Ginawang tambayan ng magkaibigang Julius at Kaye ang 8th side niyon, at wala nang nakikiagaw sa pwesto nilang iyon tuwing lunch, alam na ng mga tao na reserved iyon para sa kwentuhan nila.

Bestfriends sila, magkadikit na daw ang bituka... sabay kasi silang naipanganak sa mundo, lumaki at nagkaisip. Lagi silang pinagtatambal na sanay na sila pag sinasabing sila kahit hanggang friends lang talaga. Sure? Hindi masyado. Pero iba nag araw na ito sa mga usual na araw nila... Let's see.

Mag-uumpisa ang basagan nila sa mga simpleng sinasabi ni Kaye gaya ng: "Ay naku, Kung ako sa'yo-"

Tapos sisingit si Julius hihrit ng "edi sa'yo ako, hindi naman ako nagrereklamo e!"

"anong konek?"

"Malay ko, pagdugtungin mo kasi." Doon siya hahampasin ni Kaye ng sobrang lakas!

"Bawas bawasan mo iyang pagka epal mo ha? Doon ka na nga sa girlfriend mo."

"Hindi pwede. Umuwi siya eh."

"Kaya pinagtyatyagaan mo ako ganoon? Ewan ko ba kung anong nakita sa'yo ni May." saka siya kakagat sa mansanas na hawak hawak lang ng binata.

"Grabe to! Hoy, gwapo naman ako kahit papaano noh!"

"OO nga... Kaso kasi, hindi naman pumapantay iyang kagwapuhan mo sa kagandahan niya. Kumbaga siya anghel, ikaw abnormal na tao lang. Di ba? Aminin mo!"

"Grabe talaga iyang kasamaan mo! Kaibigan ba talaga kita ha?"

"Ngayon mo pa tatanungin iyan matapos kitang tulungan sa panliligaw sa kanya?! Iba ka rin ano?"

"sorry po" titiklop ang lalake at uubusin na ng babae ang pagkain nito hanggang sa parehas silang tatahimik at makikinig lang sa kwentuhan ng iba, titingin sa malyo minsan o di naman kaya'y magtititigan na lang.

"maiba ako," sabi ni Kaye. "Paano makipagbreak?"

"HUH?!"

"paano makipagbreak? Ano ba?"

"Bago ko sagutin iyan, tanong ko muna sagutin mo... May boyfriend ka ba na nagtatanong ka ng ganyan?" sabi ni Julius sa kanya dahilan upang sumimangot siya at ngumiti ang binata. Alam lang kasi nilang pareho na wala... since birth.

"Wala" sagot ni Kaye.

"Wala kang karapatang itanong iyon kung ganoon. Pero malalaman mo lang din kung paano pag nandoon ka na, kaya huwag kang mag-alala. Magboyfriend ka muna." Then he will pat her head like a good brother at maglalabas uli ng mansanas. "best, wag ka kasing choosy para hindi ka zero... Madami diyan, all you need to do is to keep your eyes open para makita mo."

"Kailangan kasi lalake ang maghanap di babae"

"Ngee. E paano kapag bangkay ka na at hindi ka pa rin nila nahahanap? Useless! Kaya minsan kumilos ka at pag nahanap mo na, let them do the rest."

"Cellphone?"

"Maghahanap ka lang ng magandang pangalan ng lalake eh! Huwag kang choosy pwede?"

"Cellphone?"

"Gaga! wala ng ibang laman ang phonebook ko na pwede mong iboylet!"

"may itinatago ka lang eh!" pilit ni Kaye. "Ano iyon?"

"wala."

"Let me see." sumuko din naman ang binata matapos siyang kurutin ni Kaye sa tagiliran. Unang tumambad sa kanya ang wallpaper ng binata, ang girlfriend nitong si May. "Wow, ang ganda talaga niya!"

"Hindi ka galit?"

"Galit? na maganda siya? Gago ka ba? Natural hindi. May sarili din naman akong kagandahan ano."

"Hindi iyon..."

"E ano?"

"Na hindi na ikaw ang wallpaper ko samantalang ako pa rin ang sa'yo?"

"Hindi. Ano ka ba? I actually expected you to delete our photos noong nanliligaw ka pa lang. Ako na sana ang magdidelete, pero hinihintay naman daw kita, ikaw pa rin naman may-ari nito eh."

"Halla best, ang dakila mo."

"Gago. Mayamaya lang, mapapalitan na rin tong wallpaper ko ano. Konting tiyaga na lang sa mukha mo, ganoon iyon."

Bago pa nakapagreact si Julius ay dumating ang isa nilang kaklase, si Weinn.

"Hi Kaye!" sabi nito at naupo sa kabilang side ng dalaga. "Busy ka?"

"Hindi naman, bakit?"

"Sa linggo?"

"Wala. Nasa bahay lang ako."

"Pwede bang dumalaw?"

"Paalam ka dito..." sabi niya saka itinuro si Julius na iba na ang tingin kay Weinn.

"Bakit sa kanya?"

"Bantay niya ako eh." sagot naman ng isa.

"Ahh... So pwede po ba tagabantay?"

Nagkatinginan sila ni Kaye, napangiti ang dalaga. Halata kasi ang pagkabanas ng kaibigan sa kaklase nila. "Sige lang. Alam mo ba ang address nila? #17 Saturn Street-"

"Alam ko tol," Basag! "Sige kaye, kita na lang tayo sa linggo"

"Gago iyon ah!" sabi ni Julius ng makaalis si Weinn. "Kelan pa iyon nagparamdam sa'yo?"

"Kanina lang?"

"Seryoso ah kasi!"

"Last month pa.'

"Bakit di ko alam iyon?"

"Kasi busy tayo kay May mo? OK na ba? Wag ka ngang maggalitgalitan diyan. Ikaw na rin ang nagsabi, bawal maging choosy." sabi niya, saka nginitian ito.


No comments:

Post a Comment